Aklan News
Gov. Contreras idinonate ang 1 buwang sweldo sa mga biktima ng lindol sa Mindanao
Nag-donate ng isang buwang sweldo si Gov. Nonoy Contreras sa mga biktima ng lindol sa Mindanao kaugnay ng kaniyang nalalapit na ika-50 kaarawan.
Ayon sa gobernador, nais niyang siya ang magbigay ng regalo sa halip na siya ang bigyan ng regalo sa kanyang kaarawan nitong Nobyembre 6.
Nabatid na naglaan pa siya ng donation box sa Kapitolyo para sa mga gusto ring magbigay ng kanilang mga donasyon para sa mga biktima ng lindol.
Maglalaan rin siya ng mga donation box sa ESLA-Governors Mansion, at sa Capiz gymnasium. Bahagi umano ito ng inilunsad na Kabalaka sang Capiz sa Mindanao.
Sinabi ng opisyal na ang Archdiocese of Capiz ang mangangalaga sa mga susi ng nasabing donation box.
Samantala, nakahanda na ang binuong task force ng gobyerno probinsiyal para sa selebrasyon ng kaarawan ng gobernador araw ng Miyerkules.Kabilang sa selebrasyong ito ang pagbubukas ng ilang mga serbisyo, programa at mga proyekto ng gobyerno probinsiyal para sa publiko