Connect with us

Aklan News

GOV. MIRAFLORES AT 9 ALKALDE SA AKLAN, NABAKUNAHAN NA NG SINOVAC VACCINE

Published

on

Photo Courtesy| Florencio "Joeben" Tumbocon Miraflores FB Page

Sinabayan ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang 9 na alkalde ng Aklan sa pagpapabakuna ng unang dose ng Sinovac kaninang umaga bilang dadag na proteksyon laban sa COVID-19.

Kinumpirma ni Ibajay Mayor Joen Miraflores, Presidente ng Mayors’ League sa Aklan na naturukan na ang ilang local chief executives sa probinsya ng Aklan kaninang umaga sa ABL Sports Complex batay na rin sa pahintulot ng gobyerno nasyonal.

Kabilang sa mga nabakunahan sina Mayor Denny Refol ng Altavas, Mayor Rodel Ramos sa Batan, Mayor Lynette Fernandez ng lezo, Mayor Charito Navarosa ng Libacao, Mayor Alfonso Gubatina ng Madalag, Mayor Abencio Torres ng Makato, Mayor Jeserel Templonuevo ng Numancia at Mayor Gary Fuentes ng Tangalan.

Ayon pa kay Miraflores, may ilang mga alkalde na piniling magpabakuna sa sarili nilang mga vaccination roll-out. Habang may ibang nauna nang nabakunahan gaya nila Nabas Mayor James Solanoy.

Dagdag pa niya, naroon din kanina si Mayor Josephine Iquiña ng Malinao pero hindi ito nainiksyunan dahil masama ang kanyang pakiramdam.

Hinikayat rin ni Miraflores ang sambayanan na magpabakuna dahil ito ang solusyon para maging ligtas ang lahat laban sa nakamamatay na virus.