Aklan News
GOV MIRAFLORES, ITINANGGING NADISMISS SIYA SA SERBISYO
Tinawag na fake news ni Aklan Governor Florencio Miraflores ang kumakalat na balitang na dismiss diumano siya sa kanyang puwesto bilang gobernador.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Miraflores, itinanggi nito ang mga balita at nilinaw na walang katotohanan ang mga ito.
Una na kasing ipinahayag ni former board member Rodson Mayor sa isang panayam na naka “hold over capacity” si Miraflores sa ngayon.
Dagdag pa niya, nadismiss na ng Sandigang Bayan ang mga kasong kriminal na isinampa ng Ombudsman laban sa kanila ng kanyang asawa dahil sa kuwestiyonableng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).
Aniya, “Ako pa rin ang gobernador ng lalawigan at walang dapat na ikabahala”.
Continue Reading