Aklan News
GOV MIRAFLORES, NAKA ISOLATE DAHIL NAKA CLOSE CONTACT SA 2 STAFFS NA NAGPOSITIBO SA COVID
Naka isolate sa ngayon si Aklan Gov. Florencio Miraflores matapos magpositibo sa CoViD-19 ang dalawang staff sa Office of the Governor.
Base sa nakuhang impormasyon ng Radyo Todo, nakatakda na ring kuhaan ng swab sample ang gobernador para isailalim sa RT-PCR test.
Maliban sa gobernador naka isolate din ang lahat ng mga empleyado sa tanggapan nito.
Magwo-work from home muna ang gobernador habang hindi pa nakukuhaan ng swab sample at magtatagal ito hanggang sa lumabas ang resulta at matapos ng quarantine period.
Maalala, na pansamantalang isinara ang tanggapan ng gobernador simula kahapon hanggang ngayong araw para sa disinfection.
Continue Reading