Connect with us

Aklan News

GOV. MIRAFLORES, WALANG PLANONG MAGDEKLARA NG MECQ KAHIT TULOY ANG PAGDAMI NG COVID-19 VICTIMS

Published

on

Hindi pa kinakailangan na magdeklara ang Aklan ng MECQ o Modified Enhanced Community Quarantine ayon kay Aklan Governor Florencio Miraflores.

Nauna nang nagdeklara ng MECQ si Mayor Jerry Treñas sa Iloilo City na naaprubahan na ng Inter-Agency Task Force. Nagpasa na rin ng request ang Roxas City Government para gawing MECQ ang kanilang quarantine measure na kasalukuyang nasa MGCQ.

Pero sa Aklan, positibo si Miraflores na kaya pang kontrolin ng gobyerno ang patuloy na paglobo ng mga kaso.

Magpapatupad lang ng mga granular lockdown sa mga lugar na may mga positibong kaso pero hindi sa buong Aklan anang gobernador.

Sa ngayon ay nasa moderate risk MGCQ ang Aklan, ibig sabihin mataas ang posibilidad na tumaas ang mga kaso ng COVID-19 pero kumpiyansa ang gobyerno dahil nananatili pang mababa ang hospitalization rate sa probinsya.

Kaugnay nito, magpapatawag ng pagpupulong sa Lunes si Miraflores kasama ang IATF at mga Local Government Units para ipaalala ang kanilang mahalagang papel na dapat gampanan laban sa pagkalat ng nakamamatay na virus.

Sa kasalukuyan, ang Aklan ay mayroon ng 2,245 total confirmed cases na kung saan 1,897 na ang mga nakarekober, 298 ang patuloy na nagpapagaling at 50 namatay.