Aklan News
GOVERNOR MIRAFLORES,HINILING SA SP AKLAN ANG PAGPASA NG RESOLUSYON PARA SA IMPLEMENTASYON NG IKATLONG BAHAGI NG SALARY STANDARDIZATION LAW OF 2019
Hiniling ni Aklan Governor Florencio Miraflores sa Aklan Sangguniang Panlalawigan ang pagpasa ng resolusyon para sa implementasyon ng ikatlong bahagi ng Salary Standardization Law of 2019.
Ito ay alinsunod sa isinasaad ng Local Budget Circular No.143 ng Department of Budget and Management at Republic Act 11466, para sa pagbibigay ng karagdagang benipisyo sa mga Civilian Goverment pPersonnel.
Ayon sa Section 10 ng R.A. 11466, ang Modified Salary Schedule ay maaring ibigay sa mga empleyado ng lokal na Ppmahalaan depende sa incomes classification nito.
Kung matatandaan, nagsimula ang pagbibigay ng nasabing benipisyo sa mga kawani ng gobyerno noon pang taong 2020 at matatapos ang huling trance sa taong 2023.
Saklaw naman ng nasabing batas ang lahat ng Civillian Goverment Personnel sa Executive, Legislative at Judicial Branches, Constitutional Commission, Goverment -owned and Control Corporation na hindi saklaw ng Republic Act 10149 at Local Goverment Personnel ito man ay regular, contractual o casuals, appointive o elective kahit na on full-time o part-time basis.