Connect with us

Aklan News

Grade 11 student at barkada timbog sa Panay, Capiz sa ‘pagtutulak’ ng droga

Published

on

Timbog ang dalawang magbarkadang ito sa Brgy. Candu-al, Panay, Capiz matapos maaktuhang nagtutulak ng iligal na droga. Nabatid na isa sa kanila ay isang Grade 11 student.

Kinilala sa ulat ng kapulisan ang mga suspek na sina Jericho Besorio alias Jer, 21-anyos, residente ng Brgy. Bago Grande, Panay; at  John Anthony Bernas, alias Tonton, 18, isang estudyente at residente ng Brgy. Bago Chiquito, Panay, Capiz.

Ikinasa ng pinagsamang tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency region 6 at Provincial Drug Enforcement Unit ang nasabing operasyon.

Nabilhan ng operatiba ang mga suspek ng isang sachet na nalalaman ng pinaniniwalaang shabu kapalit ng Php500 buy bust money.

Dalawa pang sachet ng suspected shabu ang nasamsam ng operatiba nang rekesahin ang magbarkada.

Kinumpiska rin ng kapulisan ang isang cellphone mula sa mga suspek na naglalaman ng transakyon kaugnay ng iligal na droga, at isa motorsiklo.

Nabatid na sa rekord ng kapulisan na si Besorio ay drug surenderee noong 2017.

Nasa pangangalaga na ngayon ng kapulisan ang mga suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.