Connect with us

Aklan News

Granada, natagpuan malapit sa Aklan river ng isang rescuer

Published

on

Isang granada ang natagpuan ng isang rescuer malapit sa Aklan river sa bahagi Laserna St., Poblacion, Kalibo nitong Lunes.

Ayon kay Rowen Nemis, residente ng nabanggit na lugar, namingwit umano siya sa Aklan river kung saan nang pauwi na siya ay napansin niya ang nasabing granada malapit sa ilog.

Kaagad niya umano itong pinulot at dinala sa kanilang bahay.

Aniya pa, tinakpan niya ito ng mga hollowblocks sa gilid ng kanilang bahay at agad ipinagbigay alam sa taga-barangay.

Dinala naman ito ng mga miyembro ng Explosive Ordnance Disposal (EOD) Unit ng Aklan Police Provincial Office (APPO) at mga miyembro ng Kalibo PNP sa isang open space at doon pinaputok.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga kapulisan kung sino ang may-ari o nag-iwan ng naturang granada sa lugar.|SMV