Connect with us

Aklan News

Gross Value Added ng Aklan, nangunguna sa mga probinsya at highly urbanized cities sa bansa

Published

on

Kamakailan lang, inihayag ng Philippine Statistics Authority (PSA) na lumabas na ang inaugural result ng Provincial Product Accounts (PPA) sa 16 pilot regions sa labas ng National Capital Region (NCR) na binubuo ng 82 probinsya at 17 HUCs sa gitna ng Nobyembre at Disyembre 2023.

Layon ng methodology ng PPA na ipunin ang mga data ng Gross Domestic Product (GDP) sa subnational level.

Ang GDP ay nagsisilbing sukatan ng kabuuang halaga ng lahat ng final products at services ng nagdaang taon.

Ang special release na ito ay tumatalakay sa economic performance ng mga lalawigan at Highly Urbanized Cities (HUCs) na kasama sa PPA Compilation noong 2023 na nakatuon sa Gross Value Added (GVA) ng mga pangunahing industriya lalo na ang GVA ng Services. Ang GVA ay ang halaga ng output minus halaga ng intermediate consumption na mahalagang indicator ng ekonomiya.

Ang service sector ay binubuo ng pinagsama-samang GVA ng iba’t-ibang component, kabilang ang wholesale at retail trade, pagkumpuni ng mga motor vehicles, transportasyon at storage, Accommodation and food service activities, Information and communication, Financial and insurance activities, Real estate, Professional at business services, Public administration and defense, compulsory social security, Edukasyon, Human health and social work activities at iba pang uri ng serbisyo.

Nangunguna ang Aklan sa mga probinsya at Highly Urbanized Cities (HUCs) sa bansa pagdating sa Gross Value Added (GVA) sa Services sa taong 2022.

Noong 2022, nagkaroon ng 29.9 porsyento na pagtaas sa GVA ng Services ang Aklan at nalampasan ang ibang mga probinsya at HUCs. Sumunod sa Aklan ang Lapu-Lapu City na nakakuha ng 22.3%, City of Puerto Princesa na may 16.7% at Tacloban City na may 14.8%.

Nalagpasan ng top 10 fastest-growing na mga probinsya at HUCS ang national average growth rate na 9.2%.

Ang mga pangunahing dahilan ng paglago ng growth rate ng Aklan ay ang Serbisyo, Agrikultura, Panggugubat, Pangisdaan, at Industriya.

Nakatulong dito ang mga mahahalagang imprastraktura sa ikalawang distrito ng Aklan na may higit dalawang bilyong pisong halaga ng mga proyekto kada taon tulad ng mga farm-to-market road at tulay na malaki ang naitulong sa pagbawas ng gastos sa transportasyon at pagtaas ng supply sa merkado para maabot ang demand ng mga mamimili.

Naobserbahan din ang pagtaas ng agricultural supply dahil sa mga investments at assistance na programa ni Congressman Teodorico Haresco gaya ng mga Rice Competitiveness Enhancement Program kung saan nabigyan ang mga magsasaka ng mga libreng pataba, seedlings, gasolina at makinarya.

May mga government livelihood programs pa na nagkakahalaga ng mahigit P100 milyon gaya ng TUPAD, Government Internship Program, Sustainable Livelihood Program, Assistance to Individuals in Crisis Situation, Ayuda para sa Kapos ang Kita Program, Conditional Cash Transfer Program, Senior Citizens Pensions na mas nagpalakas sa ekonomiya ng nasabing distrito.

“This impressive growth reflects the strategic investments and initiatives implemented,” saad ni Cong. Haresco.