Connect with us

Aklan News

Groundbreaking ceremony ng bagong Kalibo Public Market idinaos makalipas ang higit 3 taon mula nang masunog

Published

on

Makalipas ang mahigit tatlong taon mula nang maabo ng sunog ang Kalibo Public Market noong Setyembre 2019, idinaos kaninang umaga ang groundbreaking ceremony ng itatayong bagong merkado publiko.

Aabot sa P300 milyon ang inilaang pondo ng pamahalaan para sa pagtatayo ng bagong palengke na may tatlong palapag.

Gagawin ito sa loob ng 450 calendar days at inaasahang magtatapos sa Mayo 28, 2024 batay kay Engr. Amalia Francisco.

Ayon naman kay MEEDO Head Mary Gay Joel, matagal na nilang pia pangarap ang magkaroon ng isang maganda at presentableng palengke.

“Bagong Kalibo, Bag-ong Merkado Publiko, it has always been our aspiration to have a new Kalibo Public Market…This groundbreaking ceremony this morning is a clear manifestation that indeed dreams do come true,” pahayag niya.