Aklan News
GUMUHONG BAHAGI NG GUADALUPE BRIDGE SA MADALAG, PINATAMBAKAN NA
Pinatambakam muna ang gumuhong bahagi ng Guadalupe Bridge sa Madalag matapos muling gumuho partikular ang puno o unahang bahagi bunsod ng malakas na agos ng tubig-baha kahapon.
Ayon kay Madalag Mayor Dindo Gubatina, nitong nakaraang 2 linggo na nang unang gumuho ang naturang bahagi, na kaagad namang ipinaayos sa mga taga PEO o Provincial Engineer’s Office, subali’t muli na naman umano itong nasira, dahilan na minarapat i kurdon bilang babala sa mga biyahero.
Samantala, aminado naman si Gubatina na ‘band aid solution’ lang muna ang magagawa para sa nasabing problema, lalo pa’t kailangan talagang i re-route ang tubig na doon tumatama.
May revetment wall naman sana umano doon, subali’t nasira din ng tubig-baha.
Magkaganon paman, tiniyak naman ng alkalde na may pondo nang nakalaan para sa pagpapaayos ng revetment wall na siya ring poprotekta sa nasabing tulay.
Magugunita na kaagad pinatambakan ang nasabing bahagi ng tulay para maiwasan naman ang pag-re-route ng mga 4 wheel na sasakyan sa bayan ng Malinao.