Connect with us

Aklan News

‎”Guwa una ay maisog ka!”: tiyuhing lasing, binulyawan ang boyfriend ng pamangkin dahil sa tahol ng aso

Published

on

BINULYAWAN ng tiyuhing lasing ang boyfriend ng kanyang pamangkin matapos itong pinagtatahol ng aso sa bahagi ng Brgy. Andagao, Kalibo, bandang alas-5:20 ng hapon nitong Linggo, Abril 27.
‎Ayon sa nagreklamong pamangkin at boyfriend nito, nagtutupi ng damit ang dalawa nang puntahan sila ng kanilang tiyuhin na kinilalang si Joel Naral.
‎Nagsisigaw pa umano ito sa labas ng kanilang bahay at bumitaw pa ng mga katagang, “Guwa una ay maisog ka!”
‎Kinompronta pa ito ng kanyang pamangkin ngunit bumalik pa ito na may bitbit na kawayan.
‎Minabuti naman nitong tumawag sa mga kapulisan at inaresto ang si Naral.
‎Kasalukuyang nasa lock-up cell ng Kalibo Municipal Police Station ang nasabing tiyuhin para sa kaukulang disposisyon.l Ulat ni Arvin Rompe