Aklan News
Guwardiya na POI sa Ambay killing, gumamit ng ibang pangalan para makatakas?
POSIBLENG gumamit ng ibang pangalan para makatakas si Mark Archie Torrefiel, ang itinuturing na Person of Interest ng mga kapulisan sa pagpatay sa reliever manager ng RD Pawnshop na si Bona Hercia Ambay.
Ito ang pahayag ni PLt. Aubrey Ayon sa isinagawang press conference ng Kalibo PNP nitong araw ng Martes, Hunyo 7.
Aniya, batay sa kanilang hawak na manifesto, nakita nila ang pangalan ng kalive-in partner ni Torrefiel ngunit iba ang pangalang nakasulat na katabi nito.
Dahil dito,maaaring gumamit ng ibang pangalan si Torrefiel upang makalabas ng Aklan.
“Sa amon nga ginasundan nga manifesto, gintan-aw namon idto, ro pangaean it anang live-in idto tapos may kaiping imaw nga pangaean it eaki. Bukon it pangaean gid nana nga tunay. So mabahoe nga posibilidad nga naggamit imaw it pangaean… nga ibang pangaean,” ani PLt. Ayon.
Samantala, nilinaw naman ni Ayon na nananatiling Person of Interest pa rin nila sa ngayon ang guwardiyang si Torrefiel.
“Kaya gina-welcome gihapon namon imaw kung willing pa imaw mag-atubang iya kamon, magpresenta it anang sarili, magtao it information,” dagdag nito.