Aklan News
Guwardya ng RD Pawnshop, hindi pa maituturing na suspek sa pagpatay kay Ambay
Hindi pa maituturing na suspek si Mark Archie Torriefiel sa pagpatay kay Bonna Hercia Ambay.
Si Torriefiel ang nakitang huling lumabas ng pawnshop dakong alas-5:30 nitong Linggo, June 5, 2022 batay sa kuha ng CCTV.
Narekober din sa crime scene ang security guard uniform ni Torriefiel na may mga dugo kasama ng ilang mga gamit ng biktima kaya isa siya sa mga person of interest ng krimen.
Kaugnay nito ipinaliwanag ni PMaj. Jasson Belciña ng Kalibo PNP, na magkaiba ang suspek at person of interest.
Ang person of interest aniya ay taong pinagdududahan pa lamang habang ang suspek naman ay may klarong ebidensya at eyewitness na kailangan magturo na siya ang gumawa ng krimen.
Sa ngayon, wala pa raw silang eyewitness at hinihintay pa nila na ma-extract ang CCTV na nasa loob ng pawnshop.
“Actually ro person of interest, ginadudahan pa lang naton don nga imaw. Ang suspect is may evidence, may eyewitness nga nagaturo nga imaw. So makaron abi hay owa kita it eyewitness, owa pa man kita it CCTV. So ginahulat palang naton ro extraction it CCTV, kung makita naton na imaw idto,ma ano eon naton nga suspek eot-a imaw,” ani Belciña.
Kaninang umaga, natagpuang duguan at wala ng buhay si Ambay sa loob ng pinagtatrabahuhang pawnshop sa Mabini St., Kalibo.
Napag-alamang umalis na ng kanilang tahanan si Torriefiel kasama ang kanyang pamilya dakong alas-6:00 kagabi.