Connect with us

Aklan News

Habal-habal driver patay matapos pagsasaksakin sa loob ng brgy. hall ng Bulabud, Malinao

Published

on

Binawian ng buhay ang isang lalaki matapos pagsasaksakin sa loob mismo ng barangay hall ng Brgy. Bulabud, Malinao kaninang umaga.

Kinilala ang biktimang si Sherwin Retiro, 45, na residente ng Brgy. Rosario, Malinao habang ang suspek ay si Dandy Opeñano na taga Brgy. Bulabod.

Salaysay ng Brgy. Treasurer at konsehal ng Bulabod sa Radyo Todo, nitong nakaraang linggo ay nagharap sa barangay ang dalawa at nagkasundo na babayaran ng suspek ang biktima ng P2300 matapos nitong suntukin ang kanyang anak.

Napag-alaman na sinuntok ng suspek ang lalaking anak ng biktima dahil nakita niya itong kasama ng kanyang anak na babae sa disoras ng gabi.

Kaninang umaga lang bumalik ang biktima sa barangay dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin umano ito nakakabayad.

Pero bigla umanong dumating ang suspek at pinagsasaksak ang biktim sa iba’t-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Sinubukan pang dalhin sa ospital ang biktima pero hindi na ito umabot pa ng buhay.

Samantala, ayon kay PCAPT Christian John Nalangan, boluntaryong sumuko ang suspek sa isang konsehal sa Brgy. Kinalangay Viejo at kasalukuyan na itong nakakulong.