Connect with us

Aklan News

Habal-habal driver, umano’y binaril sa binti ng kapwa habal-habal driver

Published

on

Sugatan ang isang habal-habal driver matapos na barilin ng umano’y kapwa nito habal-habal driver sa Dingle, Banga.

Kinilala ang tinuturong suspek na si Godofredo Masongsong, 75-anyos at ang biktima na si Jomedes Reloj, 46-anyos at pawang residente ng Polo, Banga.

Batay sa impormasyong nakalap ng Radyo Todo, posible umanong nag-ugat ang insidente sa pagsapok ng suspek sa anak ng biktima nitong Biyernes ng hapon.

Ayon naman sa ilang nakasaksi, habang palabas ng crossing ang suspek na si Masongsong ay sinundan ito ng biktimang si Reloj.

Nagkasagutan pa umano ang dalawa at dito na nagtutukan ng kanilang mga dalang baril.

Sinubukan umanong paputukan ng biktima si Masongsong ngunit hindi pumutok ang baril nito.

Agad namanggumanti si Masongsong at binaril sa binti si Reloj.

Sa kabila ng tinamong tama, nagawa pa umano ng biktima na tumakbo papasok sa compound ng isang barangay kagawad sa nasabing lugar at tumalon sa bakod para makalayo.

Naaresto naman ang suspek na si Masongsong na ngayon ay nasa kustodiya na ng Banga PNP.

(Katodo Rhealyn Ortega, contributed in this report)

Continue Reading