Connect with us

Aklan News

Halos 200 na tumandok ng Boracay nagpasaklolo kay PBBM, tinatratong ‘kriminal’ ng DENR?

Published

on

Humihingi ng tulong ang mga”tumandok” ng Boracay kay Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. kaugnay sa natanggap na mga notice to vacate, subpoena at warrant of arrests ng halos 200 sa kanila.

Ito ay dahil sinampahan sila ng reklamong kasong paglabag sa PD 705 o Forestry Code of the Philippines ng Department of Environment and Natural Resources (DENR), Region VI, Aklan dahil sa iligal na pag-ukupa nila ng bahagi ng forest land na umano’y pag-aari ng gobyerno.

Ayon kay Lenebeth Sualog, tumandok IP ng Boracay, ang kanilang mga ninuno ay naninirahan na sa Boracay simula pa noong 17th century kaya ipinaglalaban nila ang kanilang karapatan.

Importante umano sa kanila na maprotektahan ang mga ancestral domains na minana pa nila mula sa mga ninuno. Ang ilan raw sa mga sinampahan ng kaso ay nagkakaroon na ng anxiety at nag self-demolish na.

“Natinguhaan naton nga mataw-an it hustisya ang mga nag self-demolition, masakit, masakit tan-awon, may pakaisa ako dyan sa wetland number 6 nga nag self-demolish. Abo abi nga gakumpleto eh, may mga pulis, even though ang mga pulis for peace and order malang sanda pero daw kaeahadlok bala, indi kami gusto nga matabo pa ya sa iba,” pahayag ni Sualog.

Aniya pa, sang-ayon naman sila na makipagtulungan sa DENR basta’t hindi lang sila madi-displace sa sa Boracay.

Nagpadala na rin sila ng sulat kay PBBM para umapela ng tulong at nakatakda nang magtungo sa Malacañang.