Connect with us

Aklan News

Halos P1.3M halaga ng shabu, narekober sa anti-illegal drug ops mula Enero hanggang Abril sa Aklan

Published

on

AABOT na sa halos P1.3 milyon na halaga ng shabu ang narekober sa mga ikinasang anti-illegal drug operation sa lalawigan ng Aklan mula Enero hanggang Abril 2024.

Ito ang pahayag ni PSSgt. Leonelyn Artes, Public Information Officer ng Aklan Police Provincial Office (APPO) sa panayam ng Radyo Todo.

Ani Artes, ito ay mula sa 26 na mga positibong anti-illegal drug operations na iba’t-ibang Municipal Police Stations sa lalawigan.

Mula sa nasabing operasyon, nasa 28 mga subject person na umano ang naaresto ng mga kapulisan sa Aklan kung saan nai-file at naiturn-over na sa kaukulang korte ang kani-kanilang mga kaso.

Maliban dito, aabot na rin sa P5K ang halaga ng nakumpiskang marijuana ng mga kapulisan.

Ayon pa kay PSSgt. Artes, nangangahulugan ito ng mas pinaigting pa ng mga kapulisan ang operasyon laban sa iligal na droga sa Aklan.

Kaugnay nito, ipinasiguro ng tagapagsalita ng Aklan PPO na hindi titigil ang mga kapulisan sa kanilang mga operasyon upang masawata na ang paglaganap ng iligal na droga sa lalawigan.