Connect with us

Aklan News

Halos P1-M danyos na iniwan ng sunog sa C. Laserna, Kalibo

Published

on

PHOTO: BFP Kalibo

Tinatayang aabot sa P924,000 ang halaga ng danyos sa nangyaring sunog sa Purok 4, C. Laserna St., Kalibo, ayon sa Bureau of Fire Protection – Kalibo (BFP-Kalibo).

Ayon kay FO2 Karl Anthony Iquiña, Chief Supervisor ng BFP Kalibo, may tatlong mga kabahayan ang tinupok ng apoy sa nangyaring sunog.

Totally damage umano ang bahay ni Raymund Salvador habang nadamay naman ang bahay nina Resenaldo Natabio at Jude Nemis.

Nagsimula ang sunog bandang alas-4:08 ng umaga at naideklarang fire-out alas-4:55 ng umaga.

Saad pa ni Iquiña, nagpapatuloy pa sa ngayon ang kanilang isinasagawang imbestigasyon kung ano at saan nagsimula ang apoy.

Samantala, pinag-iingat naman ng BFP Kalibo ang publiko na mag-iingat sa sunog lalo na ngayong panahon ng tag-init.

Ito na ang ika-anim na insidente ng sunog na naitala sa bayan ng Kalibo.