Connect with us

Aklan News

HALOS P127-M PINSALA, INIWAN NG BAHA SA MAKATO; BAYAN, ISINAILALIM SA STATE OF CALAMITY

Published

on

Tinatayang aabot sa 127 million pesos na pinsala ang iniwan ng pagbaha sa bayan ng Makato noong Oktubre 23, 2021.

Base sa inilabas na final damage assessment report ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang nasabing halaga ay pinsalang iniwan ng baha sa sector ng agrikultura.

Umaabot naman sa 1,441 na pamilya na may kabuuang 5,440 na indibidwal ang apektado dahil sa nasambing kalamidad.

Dahil dito ay nagpasya ang bayan ng Makato na isailalim ang kanilang lugar sa State of Calamity.

Layunin ng pagdeklara ng State of Calamity na mabigyan ng pagkakataon ang mga residente na muling makaahon matapos na balutin ng tubig-baha ang kanilang buong bayan kung saan lubos na naapektuhan ang kanilang mga ari-arian at kabuhayan.

Sa nasabing hakbang maaari nilang magamit ang kanilang calamity funds upang mabigyang ayuda ang mga apektadong mamamayan.