Connect with us

Aklan News

Hangga’t wala pang directive, bawal pa ang angkas – Kalibo PNP Chief

Published

on

Mahigpit pa rin na ipinagbabawal sa Kalibo ang backrider sa motorsiklo sa kabila ng pahayag ni Interior Secretary Eduardo Año kahapon na papayagan na ang angkas mula ngayong araw, Hulyo 10.

 

Ayon kay Kalibo police chief Major Belshazzar Villanoche, wala pang direktiba na inilabas ang national office ng PNP kaya’t bawal pa rin ang angkas.

 

“Hanggat wala pang directive, bawal pa ang pag-angkas,” ani Villanoche.

 

Una rito, inanunsyo ni Interior Secretary Eduardo Año kahapon na papayagan na nila ang backrider o angkas sa motor mula ngayong araw para sa mga mag-asawa at magkasintahan.

 

Batay kay Villanoche, verbal palang ang pahayag ni Año at malabo pa rin aniya ang lahat dahil wala pang kaukulang instruksyon na ibinigay ang national Inter-Agency Task Force (IATF).