Aklan News
Haresco, hindi naglagay ng kandidato sa mga bayan para labanan ang mga Tibyog Mayors sa Aklan
MARIING pinabulaanan ni Congressman Teodorico “Ted” Haresco na siya ang nasa likod ng pagtakbo ng ilang kandidato lalo na sa pagka-alkalde sa mga bayan sa Aklan.
Kasunod ito ng akusasyon diumano ng ilang mga mayor sa Aklan na nagtulak kay former Gov. Joeben Miraflores na tumakbo bilang kongresista at kalabanin ang pinsan nito na si Haresco.
Paliwanag ng kongresista, “narito tayo sa bansang Pilipinas kung saan umiiiral ang demokasya at hindi tayo diktatorya na iisa lamang ang pwedeng tumakbo. “
Idiniian pa nito na sa Aklan ay may mga bayan kung saan mayroong talagang naglalaban-laban na mga politiko kahit wala sya.
“Alam niyo dito sa Aklan demokrasya tayo at may mga bayan na normal na naglalaban-laban. Normal ‘yan sa demokrasya. Wala naman tayo sa diktatorya na isa lang ang pwede tumakbo,” wika ni Cong. Haresco.
Dagdag pa nito, “Dito kung sino ang gustong tumakbo at meron siyang paniniwala na makakabuti siya, pwede siyang tumakbo.”
Normal lamang aniya ito dahil ang lahat ay may hangarin na makapag-serbisyo sa mga Aklanon lalo na sa mga mahihirap kaya hindi dapat sa kanya isisi ng mga Tibyog Mayors kung may kalaban sila ngayong darating na halalan.