Connect with us

Aklan News

Haresco, pinasinungalingan ang balitang bumuo siya ng sariling ‘political empire’

Published

on

Pinasinungalingan ni Aklan 2nd District Congressman Teodorico “Ted” Haresco ang balitang bumubuo umano siya ng kanyang sariling ‘political empire’.

Aniya, hindi ito totoo kasi kung mayroon man siyang itinatayo [empire] dapat nilagyan na niya ng linyada ang lahat ng bayan sa Aklan.

“Tanungin niyo ‘yung ibang grupo kung sino yung nagpapatayo ng empire kasi hindi naman ako, kasi wala naman akong tinatayo,” wika ni Haresco.

Pagtutuloy pa ng kongresista, “Kasi kung may tinayo ako, eh di lahat ng 17 bayan sa buong Aklan nilagyan ko ng linyada.

“Ang empire, you speak of 1000 years, eh 1000 days nalang ako tapos mag-e-exit na ako,” dagdag pa nito.

Magugunitang bago ang filing ng Certificate of Candidacy (COC) naging usap-usapan sa larangan ng politika sa Aklan ang umano’y pagtatayo ni Haresco ng kanyang sariling ‘political empire’ na tila naging banta para sa mga miyembro ng local Tibyog sa lalawigan.