Aklan News
DENR EMPLOYEE ANG NAG-COVID POSITIVE SA BORACAY
Kinumpirma ng Environmental Management Bureau (EMB) Regional Office 6 na nagpostibo sa COVID-19 ang head ng Boracay Environment Management Unit (BEMU).
Ito ay base sa ipinalabas na resulta kahapon mula sa Western Visayas Medical Center-Sub-National Laboratory.
Ayon sa official statement na ipinalabas ni Atty. Ramar Niel Pascua, EMB Regional Director na clinically recovered na ang nasabing pasyente at nakumpleto na rin umano ang 14-day quarantine period.
Inaantay na lamang umano nito ang clearance mula sa doktor na posibleng ibibigay bukas o sa byernes kasama ang 10 pang personnel na asymptomatic sa loob ng kanilang quarantine period mula Aug. 13- Sept. 1.
Base sa inilabas na official statement ng Aklan Provincial Epidemiology Surveillance and Response Unit (APESRU) ang confirmed case #33 ng Aklan ay isang 51 anyos na Authorized Person Outside the Residence (APOR) na taga Guimbal, Iloilo at dumating sa Malay nitong ika-11 ng Agosto.
Nakaramdam siya ng lagnat at sakit sa lalamunan dalawang araw matapos dumating ng Aklan na kung saan nagpakunsulta siya sa Alert Medical Clinic sa Boracay bilang out patient.
Ni-refer ang pasyente sa Malay LGU para sa quarantine at kinuhaan siya ng Rapid Test pero negatibo ang naging resulta nito.
Nitong August 19, kinuhaan din siya ng swab test at ipinadala sa Western Visayas Medical Center at lumabas na positibo ito sa COVID-19.
Kasalukuyan na itong asymptomatic at patuloy na naka-quarantine.
Nagsasagawa na ng contact tracing ang mga otoridad sa mga nakasalumuha at kasamahan nito.