Aklan News
HEALTH CARE WORKER SA PROVINCIAL HOSPITAL NAGPOSITIBO SA COVID-19, 9 NA KAPAMILYA NAHAWA
Biglang lumobo ang bilang ng mga COVID-19 cases sa Banga makaraang mahawaan ng isang health care worker sa Aklan Provincial Hospital ang 9 na kapamilya nito.
Ayon kay Banga Inter-Agency Task Force Information Officer Donalyn Siyambio, unang nagpositibo sa COVID-19 nitong Huwebes, Marso 18 ang 46 yrs old na babaeng health care worker na taga Cerudo, Banga.
Sunod na na kinuhaan ng swab test ang 11 kapamilya nito at 9 sa kanila ang nagpositibo rin sa virus kabilang ang isang 5 na buwan palang na sanggol.
Karagdagang 9 na mga close contact pa ang nailista ng mga contact tracers kahapon at kinuhaan din ang mga ito ng swab.
Isinailalim na muna sa surgical lockdown ang kanilang compound.
Kaugnay nito, isang pasyenteng may sakit sa kidney ang naka admit din sa ospital ang nagpositibo sa COVID-19 na taga Toralba, Banga.
Nanawagan si Siyambio sa mga taga Banga na iwasan na muna ang mga selebrasyon o aktibidad para maiwasan ang kumpulan ng maraming tao at patuloy na sundin ang mga health protocols.