Aklan News
Health emergency allowance, matatanggap ng lahat ng empleyado ng Aklan provincial hospital
MAKAKATANGGAP ang lahat ng empleyado ng Dr. Rafael S. Tumbokon Memorial Hospital (DRSTMH) ng Health Emergency Allowance (HEA).
Ito ang ipinasiguro ni Dr. Cornelio Cuachon, OIC ng DRSTM sa panayam ng Radyo Todo.
“Yes. Non-medical, medical, mga job order, contract of service, doctor’s personnel, ro aton nga mga security guard hay makabaton,” ani Dr. Cuachon.
Sa ngayon aniya ay hinihintay na lamang nila na matapos ang ginagawang pag-audit ng Provincial Accounting Office.
“Four months ra, from July, August, October ag November. So since four months ra, ro mga requirements karon hay naga-submit kita it payroll sa Provincial Accounting Office. Ag last Friday (October 20), gin-submit eot-a tanan namon ro requirements sa Provincial Accounting Office. So makaron, undergoing it audit Provincial Accounting Office ag nahueat eon lang namon kung hin-uno matapos,” pahayag nito.
Tinatayang makakatanggap ang DRSTMH na nasa P30 million na HEA para sa lahat ng empleyado nito.
Ngunit nilinaw ni Cuachon na ang halaga na matatanggap ng bawat empleyado ay nakabatay sa kanilang Covid Risk Exposure classification.
“Ro total nga mabaton it Tumbokon hay more or less mga P30 million. But ro classification it aton nga mga empleyado hay naka-base ron sa Covid Risk Exposure nga classification,” paliwang ni Cuachon.
“Either Moderate malang ron nga P6,000 ag kung High Risk, P9,000,” pagtutuloy nito.
Kung ang isang empletyado umano ay naka-assign sa Covid ward, mapapabilang siya sa high risk classification ngunit kapag admin naman ay mapapabilang moderate classification.
Ang HEA o Health Emergency Allowance ay para mga health care workers (HCWs) na nagsilbi noong pandemya sa lahat ng pribado at pampublikong ospital sa buong bansa.