Aklan News
Heavy equipment operator natagpuang patay at walang saplot sa loob ng kanyang bahay
Wala nang buhay at walang saplot nang matagpuan ang isang heavy equipment operator sa loob ng kaniyang bahay sa Laguinbanwa East, Numancia, Aklan.
Kinilala ang biktima na si Neil Igtanloc, 34-anyos at nagtatrabaho sa Provincial Engineer’s Office (PEO) Aklan.
Napag-alaman na halos isang linggo na itong mag-isa sa nasabing bahay dahil kasalukuyang nagpapagamot sa ibang lugar ang kanyang asawa at anak.
Ayon sa mga otoridad, alas-10:00 ng umaga nitong Miyerkules ng may pumuntang kaanak nito sa kaniyang bahay.
Ngunit nagtaka umano ito dahil walang may sumasagot dahilan upang pwersahan nilang binuksan ang pinto.
Dito na tumambad sa kanila ang nakataob na biktima, walang saplot at mga nagkalat na dugo sa sahig.
Kaagad namang nagresponde ang MDRRMO Numancia sa lugar at nalamang wala nang buhay ang biktima.
Batay naman sa inisyal na imbestigasyon ng Numancia PNP at SOCO na walang nakitang galos sa katawan ng biktima at ang mga dugo umano ay mula sa kaniyang ari.
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad kaugnay sa nangyaring insidente.