Aklan News
HELPER, PATAY MATAPOS MADISGRASYA SA MOTOR
Patay ang isang 27 anyos na helper matapos sumalpok ang minamanehong motorsiklo sa isang trisekel bandang alas 7:00 kagabi sa Tambak, New Washington.
Nakilala ang helper na si Enrique Barco Gualberto Jr., ng Andagao, Kalibo, at ang sugatan ding driver ng nakabanggaang trisekel na si Cherry Malonosan Eliserio, 37 anyos ng Tambak, New Washington.
Base sa inisyal na imbestigasyon ng New Washington PNP mula sa ilang nakasaksi, paliko na papasok sa kanyang bahay si Eliserio, subalit hindi umano ito naka signal light, rason na hindi siya napansin ng paparating na nagmomotorsiklong si Gualberto na galing naman sa Dumaguit at papunta sana ng Kalibo.
Resulta, kapwa sila nagkasalpukan at nasugatan na kaagad ding dinala sa ospital, subalit binawian naman ng buhay si Gualberto.
Samantala, confined din ngayon sa ospital si Eliserio na sinasabing nasa impluwensiya ng alak nang mangyari ang insidente.