Connect with us

Aklan News

Hepe ng HPG-Aklan, inireklamo dahil sa pagtanggi na i-release ang sasakyan sa kabila ng nai-settle na bayolasyon

Published

on

INIREKLAMO sa Kalibo PNP Station ang hepe ng Highway Patrol Group (HPG) Aklan dahil sa pagtanggi umano nito na i-release ang sasakyan ni Mr. Harry Melgarejo sa kabila ng nai-settle na nitong bayolasyon.

Sa panayam ng Radyo Todo kay Cathy Melgarejo, kapatid ng may-ari ng sasakyan, inihayag nito na tumanggi umano si HPG-Aklan chief PLt. Reynaldo Alamin na i-release ang naturang sasasakyan dahil hindi pa ito bayad sa Toyota.

Ani Melgarejo, iginigiit umano ni Alamin na kailangan muna nilang hintayin ang third party ng Toyota at iharap sa kanila bago sila mapagdesisyon na i-release na ang sasakyan.

“Yung ano talaga ni Sir Alamin is he has to wait for the legal third party ng Toyota today. Na iharap niya muna kami doon sa third party na ‘yan na connected siya, na nakipag-coordinate daw sa kanya yung legal na yan. For them to decide kung i-release daw yung sasakyan,” pahayag ni Melgareho sa panayam ng Radyo Todo.

“Kasi kahapon pagkabayad namon sa ticket sa violation iya sa LTO, nag-proceed eagi kami sa HPG sa kampo dahil ro advise kamo hay okay na, dahil na settle na namon do dato nga violation,” kwento pa nito.

“So nag-appeal kami kay sir nga “Sir nandito kami para kunin na namin yung sasakyan.” Diniscribe ko din yung sasakyan sa kanya. So, honestly, hindi siya nag-mind. Honestly. Hindi siya nagmind sa dala-dala kong dokumento kasi nag-advise yung Toyota Aklan na ipresent lang sa kanya yung self-invoice na talagang sa kapatid ko yung sasakyan, kay Mr. Harry Melgarejo. Tapos ipakita ko yung warranty na enough to justify na talagang first owner yung si Mr. Melgarejo. Tapos dala ko rin yung receipt from the LTO pero inignore niya yun hindi niya yun pinansin,” pagtutuloy pa nito.

Ayon pa sa babaeng Melgarejo, ang naturang aksyon ni Alamin ay labas na sa kanyang trabaho bilang hepe ng HPG.

Kung mayroon man umano silang problema sa Toyota, ito ay sa pagitan na nila ng kanilang car dealer at labas na dito si Alamin.

Dagdag pa nito, wala pa silang hawak na orihinal na kopya ng kanilang CR dahil nagpapatuloy pa ang kanilang pagbayad sa naturang sasakyan.

Dahil dito, plano ng pamilya Melgarejo na isangguni ang nasabing isyu sa legal department ng kaukulang ahensiya ng pamahalaan.