Aklan News
Hepe ng Malay PNP, hindi papayagang maging kanlungan ng mga tumatakbo sa hustisya ang Boracay Island
Tiniyak sa publiko ni PLTCOL Don Dicksie L De Dios, hepe ng Malay PNP na hindi niya papayagan na maging kanlungan ng mga tumatakbo sa hustisya ang Boracay Island.
Ito ang pagpapasiguro ng hepe ng Malay PNP kasunod ng kanilang matagumpay na mga operasyon laban sa mga wanted person at iba pang kriminalidad.
Ayon pa sa hepe, magpapatuloy sila at mas pang hihigpitan ang ipinapatupad na batas upang mas mapaigiting pa ang kampanya laban sa lahat ng uri ng paglabag sa batas.
Sa pamamagitan aniya nito ay mababawasan ang mga kriminalidad sa bayan ng Malay lalo na sa isla ng Boracay.
“Will continue and we will strictly impose the full force of the law as it steps up its campaign against all forms of lawlessness to minimize criminality in Malay as directed by our Regional Director PBGEN Leo M Francisco and our Provinicial Director PCOL Crisaleo Tolentino, in achieving Chief PNP PGEN Rodulfo S Azurin peace and security framework dubbed as MKK=K o ang Malasakit, Kaayusan, at Kapayapaan tungo sa Kaunlaran kasama ang KASIMBAYANAN Program o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan,” dagdag pa nito.