Connect with us

Aklan News

HERD IMMUNITY SA AKLAN, TARGET NA MAABOT SA DECEMBER

Published

on

Photo Courtesy| Governor Florencio Miraflores FB Page

Pagsapit ng buwan ng Disyembre, target ng gobyerno-probinsiyal na maabot ang herd immunity sa probinsiya ng Aklan.

Ito ang pahayag ni Dr. Leslie Ann Luces ng Provincial Health Office o PHO Aklan sa pagbubukas ng “walk-in” for COVID-19 vaccination sa ABL Sports Complex, kahapon, Nobyembre 2.

Aniya prayoridad ng probinsiya na mabakunahan ang lahat ng mga Aklanon upang maging protektado laban sa nakakamatay na COVID-19 virus.

Bukas ang nasabing pagbabakuna para sa mga edad 18 pataas para sa lahat ng kategorya mula A1 hanggang A5.

Hindi na rin kailangan ng registration dahil ang kailangan lamang ng mga nais magpabakuna ay magpunta sa vaccination area at ipakita ang kanilang ID bilang patunay sa kinabibilangang kategorya.

Ang provincial vaccination area ay bukas mula Lunes hanggang Biyernes alas-8:00 ng umaga hanggang alas-3:00 ng hapon.

Samantala sa pinakahuling datos ng PHO Aklan mayroon ng 13,024 o 87 percent ang fully vaccinated mula sa target na 14, 987 sa A1 category; 47 percent o 31,166 ang fully vaccinated mula sa 65,845 na target sa A2 category; mayroon namang 28,261 o 63 percent mula sa target na 45,047 para sa A3 category at mula sa target na 58,580 ay 58 percent o kabuuang 33,686 na A4 ang fully vaccinated.