Connect with us

Aklan News

HERD IMMUNITY SA KALIBO, TARGET NA MAABOT BAGO MATAPOS ANG TAON – MAYOR LACHICA

Published

on

Photo Courtesy| Provincial Health Office

Bago matapos ang taong 2021, target na maabot ng lokal na pamahalaan ang herd immunity sa bayan ng Kalibo.

Ayon kay Mayor Emerson Lachica, halos nasa 60 porsyento na nang mga Kalibonhon ang nabakunahan.

Sa kanilang pinaka-huling datos, umaabot na sa kabuuang 34,695 ang nabakunahan kung saan 12,568 dito ang nakatanggap ng first doze samantalang 22,127 na ang fully vaccinated.

Umaasa si Mayor Lachica na mabakunahan na ang lahat kontra sa nakakahawa at nakamamatay na COVID-19 upang makabalik na sa dating takbo ng pamumuhay ang mga Kalibonhon at ng buong probinsiya ng Aklan.

Saad pa ng alkalde na mas pinaiigting nila sa ngayon ang vaccination roll out kung saan tumatanggap na ang RHU-Kalibo ng mga walk-in vaccinee.

Magpunta lamang ayon kay Lachica sa Kalibo Pastrana Covered Court ang mga nais magpabakuna at hindi na kailangan magparehistro pa.

Bukas din aniya ito sa mga nagtatrabaho sa kalibo kahit hindi residente gayundin sa mga estudyante basta’t may maipakita lamang na ID bilang patunay.

Samantala, isa na lamang ang naitalang active case ng bayan ng Kalibo samantalang wala ng bagong kaso sa mga nagdaang araw gayundin na marami na ang naka-recover sa sakit dulot ng COVID-19 virus.