Connect with us

Aklan News

High rise housing building, target itayo sa C.Laserna sa bayan ng Kalibo

Published

on

PINAG-AARALAN ngayon ng lokal na pamahalaan ang posibilidad ng konstruksiyon ng mga high rise housing project para sa mga mahihirap sa bayan ng Kalibo.

Kasunod ito ng Proposed Draft Resolution No. 832 na may titulong “Resolution Respectfully Requesting the Local Chief Executive Mayor Juris B. Sucro thru Engr. Amalia L. Francisco, Municipal Engineer and Municipal Planning and Development Coordinator, Engr. Marlo B. Villanueva to Study the Possible Construction of a High-Rise Housing Building for the Poor in the Municipality of Kalibo” na akda ni Sangguniang Bayan member Ronal Marte.

Sa panayam ng Radyo Todo kay SB Marte, target niyang itayo ang naturang proyekto sa bahagi ng C. Laserna sa bayan ng Kalibo.

“Do akon abi nga napainu-ino ngaron hay sa may C. Laserna nga area,” pahayag ni Marte.

Aniya pa, “May una abi nga proposal ro DPWH nga may setback baea nga 4 meters along riverbanks and because of… may mga plano ro LGU Kalibo nga ubrahan it road network ro aton nga riverbanks. So, siyempre kung rato nga naapektuhan ngato hay ilipat nimo sa Briones or sa Nalook ngato nga relocation site naton, ro iba abi karon hay gabalik man gihapon sa C. Laserna. Pero kung planuhan imaw it mayad, kapareho baea it naubra makaron sa Metro Manila puro high rise building ro andang ginpa-ubra, housing project para sa mga igmanghod naton nga gin-relocate.”

Sa pamamagitan din umano nito ay hindi na babalik sila pa babalik sa dating tirahan kung ililipat sila sa maganda at maayos na relocation site.

Maliban dito, mas maisasa-ayos pa ayon kay Marte ang landscape ng C. Laserna kapag ito ay natuloy.

“So, ro imo malang nga purpose karon hay para indi eon sanda magbalik-balik ay ro iba abi karon hay maistar kuno pero ro andang pamilya ta hay iya ta kung sa siin sanda na-belong dati Ro andang nahambae abi karon usually hay “iya ta mana ro amon nga pangabuhian”. Pero kung ubrahan ta it manami nga plano ag mag-ubra kita it mga makaron, ma-landscape pa it manami ro C. Laserna.”

Dagdag pa nito, lumalawak na rin ang bayan ng Kalibo kung kaya’t kailangan na rin ng urbanize planning para sa hinaharap.

Binigyan-diin pa ng konsehal na ang pagkakaroon ng high rise building ay malaking tulong upang mas makatipid ng espasyo at maiwasan ang pagsikip ng isang lugar.

Gayundin na malaking tulong ito kapag may mga emergency gaya na lamang ng sunog upang hindi na mahirapan ang mga rescuers na reresponde sa lugar.

“Sa mga bag-o abi or sa mga city ngara, ro ginplano nanda hay puro high rise building ro para sa mga housing projects naton para sa mga relocation. Syempre kung puro grounds hay kanugon ro aton nga space. Dapat hay bukas eot-a kita sa future development naton para ma-landscape naton it tama ro aton nga banwa. Indi mag-gueotok ag kung may emergency hay madali ro acces it aton nga mga responder like may mga sunog or kung ano pa nga insidente, indi mabudlayan ro aton nga mga rescuers.”