Connect with us

Aklan News

Highway Patrol Group sa Capiz may muling paalala sa mga motorista

Published

on

ROXAS CITY – Muling nagpaalala ang Highway Patrol Group (PHG) sa Capiz kasunod ng kanilang “One Time, Big Time” Operation kontra sa mga pasaway na mga motorista.

Sa panayam ng Radyo Todo kay PMSgt. Leobel Lopez, Community Relation Officer ng PHG-Capiz, pinaalalahan niya ang mga motorista na palaging dalhin ang mga kaukulang dokumento kapag bumibiyahe.

Pinaalalahan rin niya ang mga motorista na huwag bumiyahe nang nakainom pati na ang mga may alaga ng aso na sugiraduhing nakatali ang mga ito para hindi maging mitsa ng mga sakuna sa kalsada.

Aniya, tuloy-tuloy ang kanilang “Oplan Sita” sa iba-ibang bahagi ng probinsiya para manghuli ng mga pasaway na motorista.

Samantala, sa “One Time, Big Time” operation ng HPG-Capiz noong Nobyembre 22 nabatid na anim na tricycle at jeep ang kanilang hinuli dahil sa overloaded. May mga nahuli ring jeep na nagpapasabit ng mga pasahero.

Pinagmulta rin ang pitong driver matapos walang maipakitang lesinsya; tatlo na walang seatbelt; at siyam na walang helmet. May apat rin na hinuli dahil walang rehistro at anim na “open muffler.”

Isang van naman ang inimpound matapos mapag-alaman na ito ay may “hold order alarm.”