Aklan News
Higit ₱129m ng ilegal na droga, nasabat ng pdea sa loob lamang ng isang linggo


Umabot sa ₱129.64 milyon na halaga ng ilegal na droga ang nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa loob lamang ng isang linggo mula Abril 4-11, 2025.
Ang naturang mga nasabat ay nagmula sa 47 operasyon na isinagawa ng ahensya sa iba’t-ibang lugar sa bansa.
Kalakip nito, 53 indibidwal ang naaresto habang nasabat naman ang 116.44 kilo ng hinihinalang shabu, 150.96 grams ng tuyong dahon ng marijuana, 20 kilo ng kush o high-grade marijuana, 72.53 kilo ng tanim na marijuana, 496 piraso ng ecstasy at 1 milliliter ng cannabis oil.
Ani PDEA Director General Isagani Nerez, ang nasabing bilang ay simbolo ng pagsisiskap ng mga tauhan para maibsan ang krimen at masiguro ang kaligtasan ng publiko laban sa mga banta ng ilegal na droga. l RNO
Continue Reading