Aklan News
Higit dalawang libong PWDs sa Aklan benepisyaryo ng cash-for-work program
MAHIGIT 2,400 na mga Person with Disabilities (PWDs) ang magiging benepisyaryo ng cash-for-works program sa lalawigan ng Aklan.
Sa panayam ng Radyo Todo kay Persons with Disabilities Affairs Office (PDAO)-Aklan head Randy Rebaldo ito ay batay sa memorandum circular No. 20 series 2022 ni DSWD Sec. Erwin Tulfo.
Layunin aniya ng nasabing programa na matulungan ang mga PWDs sa lalawigan.
Ani pa ni Rebaldo ang DSWD’s Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan – Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (KALAHI-CIDSS) ang may mandatu sa implementasyon ng nasabing programa.
“Raya hay sandig sa memorandum circular No. 20 series 2022 nga ginpapaguwa ni Sec. Erwin Tulfo hanungod sa ginatawag nga pagtao naton it igtueopangod sa mga ginatawag naton ng Person with Disabilities (PWDs). Sa idaeom it circular ngara hay ro ginatawag naton nga KALAHI-CIDSS hay sanda ro gintaw-an it mandu sa pag-implement ku ginatwag ngara nga Kapangyarihan at Kaunlaran sa Barangay o cash-for-works program for person with disabilities,” pahayag ni Rebaldo.
Saad pa nito na ang susundin na listahan ng mga benepisyaryo ay ang listahan noong 2017.
Sa pamamagitan nito, ay beberipikahin nila kung ang mga mga nakalista dito ay may kakayahan pa para sa naturang programa.
“Sundon eang anay ro listahan it 2017 ag i-validate kung capabale pa mag-perform, kung buhi pa or nag-transfer sa ibang lugar,” aniya pa.
“Kapag masayran nga indi kayang mag-perform, kung bedridden for example, sarang imaw nga bayluhan it member it family nanda,” dagadag pa nito.
Samantala, ipinaliwanag ni Rebaldo na kailangan munang gumawa ng project proposal ang bawat munisipalidad para sa documentary na kailang sa Commission on Audit o COA.