Connect with us

Aklan News

Higit P433K danyos iniwan ng sunog sa Boracay

Published

on

Photo Courtesy| RB Batchiller

Tinatayang aabot sa humigit-kumulang P433,000 ang danyos sa nangyaring sunog sa isang residential area sa Brgy. Balabag, Boracay kahapon.

Sa update ng Bureau of Fire Protection, nagtamo ng first degree burn ang may-ari ng dalawang palapag na residential building na si Federico Visca Sr, 74 taong gulang.

Napag-alamang mayroong 13 boarders si Visca pero wala ang mga ito nang mangyari ang sunog.

Nadamay din sa sunog ang tatlong palapag na commercial building na pagmamay-ari ni Angelina Sacapaño pero partially damaged lang ang first at third floor nito.

Naabot din ng apoy ang bahagi ng White Coral Hotel pero partially damaged lang dahil mayroon itong firewall.

Patuloy pa ring inaalam ang pinagmulan ng apoy.

Alas-2:52 ng hapon nagsimula ang sunog at naideklara itong fire out alas-4:40 ng hapon.