Connect with us

Aklan News

Higit P4m, natangay ng benta slot “scammer”

Published

on

TINATAYANG higit sa 4 na milyong piso ang natangay ng isang indibidwal na siyang sa likod ng isang investment scam na “benta slot.”
‎Sa naging pahayag ng isa sa mga biktima na tumanggi nang magpapangalan, naengganyo ito sa naging pangakong interest o tubo sa benta slot ni Joy ParconOrtega Zambrona.
‎May pagkakataong pang personal nilang inaabot ang pera kay Joy Zambrona o di kaya’y sa pamamagitan ng bangko at digital money transfer.
‎Noong una, naging maayos naman ang transaksyon ngunit nitong Abril, pumalpak na ito sa pagbalik ng kanilang mga pera.
‎Pagpapaliwanag pa nito ang istilo ng “benta slot” ay nagpopost sa Facebook si Joy ng mga halaga na ia-avail ng investor.
‎Pagkalipas ng isang buwan, ang pera ay ibabalik naman sa investor kasama na ng interes.
‎Nakatakda sanang magharap ang mga biktima at si Joy Zambrona nitong araw, Mayo 15, sa barangay ngunit hindi ito sumipot.
‎Minabuti naman ng mga biktima na ipa-rekord ang insidente sa Kalibo Municipal Police Station. l Ulat ni Arvin Rompe