Connect with us

Aklan News

Lasing na motorista, nag overshoot ang minamanehong sasakyan sa palayan; drayber, maswerteng hindi nasugatan

Published

on

NAG-OVERSHOOT sa palayan ang isang SUV na minamaneho ng isang lalaking nasa impluwensya ng alak sa Diversion Road, Lezo pasado alas-2 ng madaling nitong Lunes.

Ang hindi na pinangalanang drayber ay residente ng Bakhaw Sur, Kalibo.

Sa imbestigasyon ng Lezo PNP galing umano sa Makato ang naturang sasakyan at pauwi na sana ng Kalibo ng mangyari ang aksidente.

Sinasabing nakainom ang drayber ng sasakyan at madilim din umano ang bahagi ng kalsada na sinabayan pa ng malakas na buhos ng ulan.

Dahil dito, nawalan ng kontrol ang nasabing driver hanggang sa nag-overshoot ang kanyang sasakyan sa palayan.

Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng Lezo PNP sa nangyaring aksidente.

Photo: Elmer Cacayan

 

Continue Reading