Connect with us

Aklan News

Homemade Caliber .22 pistol, itinurn-over sa mga otoridad sa Buruanga

Published

on

Kusang itinurn-over ng isang lalaki ang kaniyang Homemade Caliber .22 pistol sa mga miyembro ng 2nd Aklan PMFC- 4th Maneuver Platoon sa Brgy. Bagong- Bayan, Buruanga nitong Sabado.

Napag-alaman na 50-anyos ang naturang lalaki na residente rin ng nasabing lugar.

Dinala naman ang naturang armas sa Burunaga Municipal Police Station para sa dukomentasyon.

Samantala, itinrasfer din agad ito sa  2nd Aklan Provincial Mobile Force Company (APMFC) Supply Section para sa karampatang disposisyon.