Aklan News
Homemade shotgun isinurender sa Sigma PNP sa gitna ng kampanya kontra iligal na baril


Mainit parin ang kampanya ng kapulisan kontra sa iligal na baril sa Capiz.
Sa bayan ng Sigma, Capiz isang residente ang nagsurender ng kanyang homemade shotgun sa opisyal ng barangay sa gitna ng kampanya “Tokhang Kontra Ginadumilian nga Pusil 2019”.
Ang nasabing baril ay dinala sa Dao PNP Station ni Jubal Obien, Punong Barangay ng Mangoso kasama ang kanyang chief tanod.
Ayon kay Punong Barangay Obien, ang nasabing armas ay isinurender sa kanya ng isa niyang residente na hindi na papangalanan.
Nanawagan ang Dao PNP sa taumbayan sa pangunguna ng kanilang hepe na si PCpt. Christian Mahometano na makipagtulungan sa kanilang kampanya.
Ang Tokhang Kontra Ginadumilian nga Pusil 2019 ay operasyon ng kapulisan kontra sa mga nagmamay-ari ng baril na napaso na ang kanilang lesinsya o rehistro.
Binabalaan rin ng kapulisan ang mga residente na nangangalaga o nagmamay-ari ng mga paltik o walang mga kaukulang dokumento na mga baril dahil posible silang makulong at makasuhan.