Connect with us

Aklan News

Honest Malaynon, nagsauli ng cheke na nagkakahalaga ng P60,000

Published

on

“Iuli sa tunay nga tag-iya o i turn-over sa Police Station o Baranggay ru kwarta o kung alin pang nga importanteng gamit nga inyong nakita dahil duyun hay kinahangean man it tag-iya.”
Ito ang payo ng tapat at huwarang Malaynon na si Fernand Tumaca matapos na magsauli ng checkeng nagkakahalaga ng 60,000 sa Malay PNP.
Si Tumaca ay isang loader sa Caticlan Airport na residente ng Brgy. Cabulihan, Malay, Aklan.
Base sa panayam ng Radyo Todo kay Tumaca, nakita umano nito ang nasabing checke dakong alas-2 ng hapon sa may paradahan ng pampasadang motorsiklo sa Poblacion, Malay habang papunta sila ng kaniyang nanay sa DSWD.
Agad naman niya itong itinurn-over sa Malay PNP dahil ayon sa kaniya, mahalaga at kailangan iyon ng tunay na may-ari.
Ang nasabing checke ay nakapangalan sa ilalim ng Inamarga Enterprise.
Samantala, napag-alaman na hindi ito ang unang pagkakataon na nagsauli siya ng mga gamit na kaniyang natagpuan.