Connect with us

Aklan News

Hotel owner, ninakawan ng dating helper

Published

on

Boracay – Libo-libong halaga ng alahas, cellphone at cash ang nawala sa isang hotel owner matapos looban ng dating helper ang kanyang hotel sa Sitio Ambulong Brgy. Manocmanoc Boracay mga bandang alas 7:30 kagabi.

Nakilala ang biktima na si Cris Dela Cruz Fallorina, 43 anyos residente ng Isabela, Cagayan at kasalukuyang nakatira sa nasabing lugar.

Samantala nakilala naman ang mga suspek na sina Hankho Vargas Octavania, 26 anyos, dating helper ng hotel, residente ng Pasay City at John Red Rosales Rosario 32 anyos, isang habal-habal driver at kasalukuyang nakatira sa Sitio Lugutan Brgy. Manocmanoc Boracay.

Base sa salaysay ng biktima, nadatnan niyang nakakalat na ang mga gamit niya sa loob ng kanyang kwarto at nadiskubre na wala na ang kanyang 2 flat screen Tv at dalawang remote control, cash money na P100,800.00 at 2,500 na coins, 1 silver Iphone 6 plus, Apple IPAD 16 GB, 1 Silver Tudor Watch, 1 Silver Fossel Wrist Watch, 18 karat gold bracelet at 1 Gold/Silver Tag Heuer na nakatago sa kanyang cabinet.

At nang mangtangka na hanapin ng biktima kung sinuman ang suspek ay nakita niya umano na suot ni Octavania ang mga alahas nito na nakikipag-inuman sa isang bar sa nasabing lugar.

Inimbitahan niya umano ito sa Boracay PNP at narekober sa posisyon ng suspek ang ibang gamit na may halagang 72,000 pesos maliban lang sa ibang gamit na kinuha pa nito.

Narekober din ang ibang gamit sa bahay na tinutuluyan ng isa pang suspek na si Rosario.

Kasong Theft ang kakaharapin ng dalawang suspek.

Continue Reading