Connect with us

Aklan News

HOUSING PROJECT NG DIOCESE OF KALIBO, NAANTALA DAHIL SA PROBLEMA SA LUPA

Published

on

Kalibo, Aklan – NAANTALA ang proyektong pabahay para sa mga Ati ng Diocese of Kalibo dahil may ibang umaangkin sa lupa na pagtatayuan nito sa Brgy. Aliputos, Numancia.

Ito ang kinumpirma ni Father Ulysis Dalida ng Social Action Center sa Radyo Todo matapos na pinigilan silang magbakod ng land claimant na si Alex Crispino noong nakaraang araw ng Linggo.

Ayon kay Crispino, minana nila mula sa kanilang lolo ang mahigit isang ektaryang lupa na nabili ng Diocese of Kalibo noong nakaraang 2016.

Ngunit ayon kay Father Dalida, nabili nila kay Arturo Toriano ang lupa na tenant ng Lolo ni Crispino na si Isidro Bernardo.

Dinagdag pa ng pari na malinis ang papeles na hawak ni Toriano kung kaya naitransfer sa kanila ang pagmamay-ari nito sa katibayan ng isang Tax Declaration.

Sa katunayan diumano ay pinoproseso na sa ngayon ang pagpapatitulo sa nasabing lupa.

Napag-alaman na ito ang magiging Ati Community kung saan titira ang mga Ati na ngayon ay nakatira sa Brgys Bulwang at Mobo.

Maliban sa bahay ay bibigyan rin sila dito ng kabuhayan at mga pasilidad na kailangan para sa kanilang maayos na pamumuhay.

Ngunit sa ngayon ay hindi ito maumpisahang gawin dahil sa pagmamatigas ni Crispino kung saan dinala na nito sa korte ang reklamo laban sa papel na hawak ng tenant at nagbentang si Toriano.