Aklan News
Housing project ng NHA para sa mga biktima ng Yolanda sa Tangalan, ‘di pa rin tapos
Inirereklamo ng mga residente ang hindi pa rin natatapos na pabahay ng National Housing Authority (NHA) para sa mga nabiktima ng bagyong Yolanda sa bayan ng Tangalan.
Mahigit walong taon na nang manalanta ang bagyong Yolanda sa Aklan noong Nobyembre 8, 2013 pero hanggang ngayon ay hindi pa rin matirahan ng mga biktima ang pabahay at naiwang nakatiwangwang.
Sa target na 510 units, 298 pa lang ang natatapos.
Batay sa nakalap na impormasyon ng radyo Todo, wala pang linya ng tubig at kuryente at nagkalat na ang mga dumi ng baka at matataas na damo sa lugar na pinagtayuan ng pabahay.
Napag-alaman din na ang lugar na pinagtayuan ng housing project ay isang mangrove area. |MAS
Continue Reading