Connect with us

Aklan News

HVI na natiklo sa buy-bust operation ng PDEU Aklan, nagpositibo sa paggamit ng ilegal na droga

Published

on

NAGPOSITIBO sa paggamit ng iligal na droga ang lalaking High Value Individual (HVI) na natiklo ng mga otoridad sa isang drug-buy bust sa Estancia, Kalibo.

Kinumpirma ito mismo ni PMAJ. Frensy Andrade, Chief ng PDEU Aklan base sa lumabas na drug test result ng suspek.

Matatandaang nahuli ang suspek na si Jaymark Francisco, 32-anyos na residente ng Rizal Street, Poblacion, Kalibo nitong Huwebes ng umaga.

Nabilhan si Francisco ng isang sachet ng shabu kapalit ng P7,000 na buy-bust money.

Samantala sa isinagawang body search, narekober din ang dagdag na 50 grams ng suspected shabu na nakalagay pa sa parcel ng isang courier company.

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa Section 5 (selling), Section 11(Possession of Illegal Drugs) at Section 15 (Using of Illegal drugs) ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.