Connect with us

Aklan News

“I am not in favor of implemenenting the 10% surcharge”- SP member Tejada

Published

on

Hindi pabor si Sangguniang Panlalawigan member Jay Tejada sa balak ng AKELCO na pagpataw ng 10% surcharge sa mga konsumidor.

Ito ang panindigan ni Tejada matapos ang isinagawang legislative inquiry ng Sangguniang Panlalawigan nitong Martes, Hulyo a-26.

Ayon kay Tejada, hindi ito napapanahon dahil nananatili pa rin tayo sa pandemya at mayroon namang disconnection notice ang AKELCO na ibinibigay sa kanilang mga consumer kung kayat obligado pa rin ang mga ito na mabayad.

Dagdag pa nito naghihirap pa rin ang mga mamamayan dahil sa pandemya kung kaya’t ito rin ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila nakakabayad sa tamang oras.

Saad pa ng opisyal, sa mga nakalipas na buwan at tao ay nagawang malagpasan ng AKELCO ang suliraning ito dahil pumasok sila sa contract loan.

Binigyan-diin naman nito na naiintindihan niya ang kooperatiba kasi kailangan din nilang makapagbayad sa tamang oras.

Ngunit kailangan ring intindihin ang mga konsumidor dahil ito’y magiging dagdag-pasanin sa kanila.

“In my personal opinion, after hearing all the discussion,  I am not in favor of implementing the 10 percent surcharge because, first, it’s untimely… nasa pandemic pa tayo eh. Maybe after 3 years pwede na tayo mag-entertain ng surcharge. Pero at this point of time, I’m not in favor of implementing it because of the economic crisis brought out by pandemic. Second, AKELCO has already managed and survive because of their innovation also to contract loan. Kaya ngani, narealize ko kaina nga rato ro andang pantapal para updated ro aton nga payment sa generators kasi ga-surcharge man kita kung delayed ro payment ni AKELCO, which I fully understand. Ag ga-implement man kita it disconnection. So may payment man gihapon, obligado man gihapon si consumer… delayed nga lang,” pahayag ni Tejada.