Connect with us

Aklan News

Ikalawang palapag ng Jads Place Travelers Inn sa Mabini Street, nasunog dahil sa umano’y pumutok na bumbilya

Published

on

NASUNOG ang ikalawang palapag ng Jad’s Place dahil umano sa pumutok na bumbilya sa loob ng banyo.

Sa panayam ng Radyo Todo kay FO1 Eugene Bonite Jr. Fire Arson Investigator ng BFP Kalibo, sinabi nito na nagsimula ang sunog sa loob mismo ng CR sa ikalawang palapag.

Lumabas sa imbestigasyon ng BFP na may isang babae na nag-cr at pagbukas nito ng switch ay may narinig itong pumutok.

Binalewala ito ng babae at kalaunay may pumutok ulit sa loob ng cr at dito na tumambad ang nasusunog na exhaust fan at bumbilya.

Umabot sa P40,000 ang iniwang danyos ng sunog sa lugar na pagmamay-ari ni Jad Adante. | via Kiervy Revesencio