Connect with us

Aklan News

IKATLONG COVID-19 CASE, NAITALA SA BAYAN NANG NUMANCIA

Published

on

IKATLONG-COVID-19-CASE,-NAITALA-SA-BAYAN-NANG-NUMANCIA-official-statement

Nakapagtala nang pangatlong kaso ng Covid-19 ang bayan nang Numancia.

Ito ay matapos magpositibo ang isang 33 anyos na lalaki, isang Locally Stranded Individual (LSI) galing sa Bulacan noong July 22, 2020 lulan ng Starlite.

Nakuhaan na rin umano ito nang kanyang pagkakakilanlan sa Numancia Ligtas Covid-19 Center at dumaan na rin sa strict home quarantine.

Sa loob nang kanyang quarantine period, dumaan na rin ito sa Rapid Antibody Test nito lamang August 5, 2020.

Lumabas sa resulta na nagpositibo ito sa nasabing test.

Kaugnay nito, August 6, 2020 ipinadala ang kanyang swab specimen sa Western Visayas Medical Center Department of Pathology Sub-National Laboratory.

Lumbas ang resulta ngayong araw na nagpositibo ito sa Covid-19.

Sa ngayon ang pasyente ay nasa pangangalaga ng Municipal Quarantine Facility para sa close monitoring.

Sinabing asymptomatic naman ito.