Aklan News
Ikatlong sunog sa Banga sa buwan ng Abril sumiklab


Tatlong sunog na ang naitala ng Banga FireStation ngayong buwan ng Abril 2023.
Ito ay matapos na lamunin ng apoy ang bahay ng isang construction worker na si Rian Ragaas, 43 anyos, kahapon sa Barangay Torralba, Banga.
Batay sa BFP Banga, walang tao sa bahay ni Ragaas nang mangyari ang sunog dahil nasa trabaho ito.
Tinatayang nasa P8,000 ang danyos na iniwan ng trahedya.
Patuloy naman ang imbestigasyon kaugnay sa pinagmulan ng apoy.
Continue Reading